Asahan na hanggang sa susunod na taon ang malamig na panahon sa bansa dahil sa Northeast Monsoon o amihan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magtatagal pa hanggang Enero ang lamig ng panahon.
Ang simula ng amihan, na idineklara noong huling bahagi ng Oktubre, ay maagang dumating ngayong taon.
Ito ang nagdadala ng malamig na hangin mula sa hilagang-silangan at pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa.
Noong Lunes, naitala ang pinakamababang temperatura sa bansa sa Baguio City na nasa 12 degree celsius.
Magdadala rin ang Northeast Monsoon ng pag-ulan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro at Bicol.