Inihayag ni Elias Jose Inciong, presidente ng United Broilers and Raisers Association (UBRA), na mas mainam sa produksyon ng manok ang pananatili ng malamig na panahon.
Ayon kay Inciong, walang dapat ipangamba ang mga consumer dahil hindi umano maaapektuhan ng malamig na panahon ang mga poultry farm.
Sinabi ni Inciong na sa tulong ng malamig na panahon, hindi na mangangailangan ng cooling effect ang mga manukan sa bansa kung saan, maraming manok ang namamatay dahil sa mainit na temperatura sa ilang lugar sa Pilipinas.
Nilinaw din ni Inciong na posible namang magkaroon ng mababang produksiyon ang sobrang lamig na temperatura dahil karamihan sa mga manok ay hindi umano kumikilos dahil sa malamig na panahon na nagreresulta naman ng pagpayat at pagkamatay ng mga ito.