Patuloy paring makakaranas ng makulimlim na panahon na may kasamang mahihinang mga pag-ulan ang eastern section ng Luzon partikular na sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Bicol Region dahil parin sa hanging amihan.
Asahan naman ang malamig na temperatura sa Metro Manila at nalalabing bahagi pa ng Luzon lalo na sa madaling araw at posible ding magkaroon ng Isolated light rains.
Magiging maulap naman na may mahihina hanggang sa katam-tamang mga pag-ulan sa Eastern at Central Visayas maging ang buong bahagi ng Mindanao dahil sa epekto ng shearline.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro mula 21 hanggang 30 °C habang sisikat ang haring araw mamayang 6:25 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:47 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero