Nakaranas ng malamig na temperature ang mga taga-Metro Manila sa unang araw ng Disyembre.
Ayon sa automated weather station ng PAGASA, alas-5 ng madaling araw na maitala ang 20°C na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Kabilang sa mga nakapagtala rin ng mababang temperatura ang La Trinidad, Benguet sa 12°C; Atok, Benguet sa 14°C, kapwa kaninang alas-5:40 ng madaling araw at Tagaytay City, Cavite sa 18°C —alas-6 kaninang umaga.
Samantala, ilang beses nang nakapagtala ng mababang temperatura sa Baguio City na kaninang alas-5 ng madaling araw ay naitala sa 12°C ang temperatura.