Asahan nang patuloy pang mararamdaman ang malamig na panahon bunsod ng pag-iral ng northeast monsoon o hanging amihan.
Batay sa datos mula sa PAGASA, bumagsak sa 13 degrees celcius ang temperatura na naitala sa summer capital ng bansa, ang Baguio City.
Aabot sa 13.1 degrees celcius naman ang naitala sa bahagi ng Basco sa Batanes habang naglalaro sa 18 hanggang 24 degrees celcius ang temperatura sa Tuguegarao City sa Cagayan.
Dahil dito ayon sa PAGASA, makararanas ng pulu-pulong mga pag-ulan sa Hilaga at Gitnang Luzon bunsod ng epekto ng hanging amihan.
Habang ang tail-end of a cold front naman ang siyang nakaapapekto sa Katimugang Luzon maging sa Visayas at ilan pang bahagi ng Mindanao.
Dahil may umiiral ding gail warning, pinapayuhan ng PAGASA ang mga maliliit na mangingisda na huwag munang pumalaot bunsod ng malalaking alon lalo na sa silangang baybayin ng Luzon at Visayas.
—-