Tatagal pa hanggang sa susunod na buwan ang malamig na temperaturang nararanasan sa bansa.
Ayon ito sa PAGASA matapos ipalabas ang tinatayang minimum temperature para sa buwang ito.
Kabilang dito ang 14 hanggang 21°C sa Northern Luzon, 16 hanggang 27 °C sa lowlands Luzon, 9 hanggang 12 °C sa mountainous Luzon, 18 hanggang 24 °C sa Metro Manila, 20 hanggang 25 °C sa Visayas, 19 hanggang 23 °C sa lowlands Mindanao at 15 hangang 17 °C sa mountainous Mindanao.
Para naman sa susunod na buwan papalo mula 10 hanggang 25 °C ang temperaturang mararamdaman sa iba’t ibang bahagi ng bansa.