Posibleng tumagal pa hanggang sa Enero ng susunod na taon ang nararamdamang malamig na simoy ng hangin sa Metro Manila.
Kahapon, muling naitala ng PAGASA ang pinakamalamig na temperatura sa kamaynilaan sa 20 degrees celcius
Ganito rin ang naitalang temperatura nuong araw ng linggo sa pagasa science garden sa Quezon City.
Huling naitala nuong Marso ng taong 1969 ang pinaka mababang temperatura sa Metro Manila na pumalo lamang sa 14.9 degrees celcius.
By: Jaymark Dagala