Nananatiling malamig pa rin ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa kahit pa humihina na ang amihan.
Ayon sa PAGASA kabilang sa nakapagtala ng mababang temperatura kaninang 5:00 ng umaga ang PAGASA science garden sa Quezon City – 20. 8 degrees Celsius, Baguio City – 12 degrees Celsius, Tanay, Rizal – 19 degrees Celsius, Laoag City – 20. 2 degrees celsius, Clark, Pampanga – 20. 6 degrees Celsius.
Muling ipinabatid ng PAGASA na bahagyang humina ang amihan subalit sa susunod na linggo ay muling mararamdaman ang bugso nito.
Tatagal naman ang pag-iral ng amihan sa bansa hanggang sa matapos ang buwan ng Pebrero.