Inihayag ng Department of Energy na isasailalim sa maintenance shutdown ang Malampaya Gas Power Facility sa Peb., 2023.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, dapat noong Oktubre isinagawa ang maintenance shutdown pero sinuspinde ito bunsod ng Covid-19 restriction at mga nagdaang bagyo.
Itinaon nila anya sa buwan ng Pebrero upang hindi kapusin sa suplay ng enehiya at inaasahang maraming energy reserves sa bansa.
Kasabay nito, sinabi ng ahensya na asahan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa nabanggit na buwan bunsod ng shutdown sa Malampaya. —sa panulat ni Jenn Patrolla