Uubra nang makakuha ng supply ng natural gas sa Malampaya power plant.
Tiniyak ito ni Energy Secretary Alfonso Cusi matapos makumpleto ang 20 araw na pag shutdown sa Malampaya natural gas to power facility ng walang anumang kakulangan ng supply ng kuryente.
Ayon kay Cusi napanatili sa normal level ang supply ng kuryente habang isinasailalim sa maintenance work ang Malampaya mula January 28 hanggang February 16.
Sinu suplayan ng Malampaya power plant ang limang natural gas power plants sa Batangas kabilang ang Sta Rita, San Lorenzo, Ilijan, Avion at San Gabriel.
Kasabay nito nakiusap muli si Cusi sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente para hindi na rin magkulang ng supply sa kuryente.
By: Judith Larino