Dinepensahan ng Udenna Corporation ang pagtake-over nito sa Malampaya gas-to-power facility at nanindigang lehitimo ang pag-take-over nito sa major stakes sa offshore Palawan project.
Iginiit ni Udenna Spokesman, Atty. Raymond Zorilla, wala namang batas na nag-re-require ng approval ng pag-transfer sa shares ng mga kumpanya na may interes sa Malampaya.
Batid naman anya ng kumpanya ang mga alegasyon at pekeng balita na kumakalat sa media maging sa mga pribadong grupo sa social media.
Una nang naghain ng graft complaint sa Office of the Ombudsman laban kina Energy Secretary Alfonso Cusi, Davao-based businessman Dennis Uy at mga opisyal ng Chevron Philippines at Shell Philippines Exploration dahil sa planong pagtake-over sa Malampaya facility.
Ang Udenna ay pag-aari ni Uy, na isa sa pinaka-malaking campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte. —sa panulat ni Drew Nacino