Malamyang pagsunod sa health protocols.
Ito ang isa sa mga nakikita ng World Health Organization (WHO) na posibleng sanhi ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa, kabilang ang presensya ng mas nakakahawang variants.
Isa rin sa mga maaaring dahilan nito, ayon kay WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe [Abi-ya-singha], ay ang mababang kumpiyansa ng tao sa bakuna.
Giit ni Abeyasinghe [Abi-ya-singha], dahil walang tiwala ang mga mamamayan sa bakuna ay hindi na nasusunod ang health protocols kaya’t nagiging dahilan ito ng pagdami ng mga nadadapuan ng impeksiyon.