Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Science and Technology (DOST) na tumulong sa paghikayat sa mga kabataan na ipursige ang pagkuha ng scientific at technological courses.
Sa kanyang pagdalo sa ika-walong taunang Balik-Scientist Program Convention sa Philippine International Convention Center (PICC) kanina, inamin ni Pangulong Marcos Jr. na walang masyadong interes ang mga kabataan sa larangan ng siyentipiko at teknolohiya dahil sa malamyang pamamaraan ng bansa.
Dahil dito, mahalaga aniyang mas paigtingin ang programa upang makapag-produce pa ng maraming eksperto.
Muli rin namang tiniyak ng Pangulo ang kanyang solidong suporta sa nasabing larangan.—mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)