Inihayag ng Department Of Health (DOH) na naipamahagi na sa iba’t ibang vaccination sites ang mga bakunang Astrazeneca na nakatakdang mag-expire sa katapusan ng buwan at sa Hulyo.
Sa isang online press conference, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 2. 4 na milyong Astrazeneca vaccine ang naiturok na sa mga indibidwal.
Habang nasa mahigit 100K pang mga Pilipino ang kailangan mabakunahan ng naturang bakuna kontra COVID-19.
Nauna nang sinabi ng health department na 1.5 milyon na mula sa British manufacturing ang ma-eexpire sa katapusan ng buwan habang isang milyong bakuna naman sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo.
Samantala, nasa 11 milyong COVID-19 vaccines pa ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan.