Umabot na sa 66 na probinsya sa Pilipinas ang deklaradong Malaria-free.
Ayon sa Department of Health, kasalukuyang nasa 15 lalawigan ang nasa “Elimination Phase” at isang lalawigan na lamang ang mayroong “Local Transmission” ng Malaria, at ito ay ang Palawan.
Dagdag pa ng kagawaran, na patuloy ang kanilang pagsusumikap para sa makamit ang Malaria-Free sa bansa.
Kabilang sa pinaka-huling naideklarang Malaria-Free ay ang mga probinsya ng Cotabato, Rizal, Aurora at Oriental Mindoro.
Nabatid na ang Malaria ay mula sa Plasmodium Parasites na karaniwang naililipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok at makararanas ng sintomas tulad ng lagnat, pananakit ng ulo at kung hindi maagapan ay nakamamatay. – sa panunulat ni Jenn Patrolla