Muling idinipensa ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Malasakit Center sa mga pagbatikos na ginagamit ito sa pamumulitika.
Sa kauna-unahang privilege speech ni Go bilang senador, pinabulaanan nito ang akusasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman pagiging partisan ng Malasakit Center.
Binigyang diin ni Go na walang pinipili ang pagbibigay ng tulong sa mga Malasakit Center anuman ang kanilang edad, kasarian, ethnic background, relihiyon at political affiliation.
Sinabi ng senador na ginawa ang Malasakit Center para pabilisin at padaliin ang paghingi ng tulong medikal ng mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagiging isang ‘one-stop-shop’ ng mga ahensiya tulad ng PCSO, DOH, PCSO at PhilHealth.
Sa huli ay isinulong ni Go ang Senate Bill 199 na layong i-institutionalize ang Malasakit Center at magtayo ng ganitong center sa bawat public hospital sa mga probinsya.