Lusot na sa ikalawang pagbasa ang Senate bill 1076 o Malasakit Centers Act na isinusulong ni Senador Christopher Bong Go.
Layon ng panukala ni Go na makapagtayo ng Malasakit Centers sa lahat ng mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health sa buong bansa para makapagbigay ng mas mabilis at mas malawak na health services sa mga mahihirap.
Ikinatuwa ni Go ang pagpasa sa second reading ng kaniyang panukala kasabay ang pangakong tututukan niya ito para mabigyan ng mas maayos na health services ang mga pilipinong hirap sa pagpapagamot.
Tiniyak ni Go na hindi lilimitahan ng gobyerno ang pagtatatag ng malasakit center na mayruon nang 49 na sangay sa ibat ibang lugar sa bansa.
Una nang inihayag ni Go na nalulungkot siya sa nasaksihang pagsisiksikan ng mga pasyente sa mga pasilyo at limitadong kama na aniya ay factor din kaya’t hindi kaagad gumagaling ang mga may sakit.—ulat mula kay Cely Bueno (Patrol 19)