Inihahanda na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Malasakit help kits bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019.
Ang mahigit 1,000 Malasakit help kits, ayon sa Department of Transportation (DOTr) ay ipapamahagi sa mga pasahero sa Terminal 1 hanggang 4 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gayundin sa mga pasahero ng MRT sa mga istasyon ng North Edsa, Cubao, Shaw, Ayala, at Taft.
Ipinabatid ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na laman ng Malasakit health kits ay tubig, biskwit, wet wipes, mini fan, hand sanitizer, at pagkain.