Inaprubahan na ng House committee on health ang substitute bill ng panukalang naglalayong magtatag ng Malasakit programs at permanenteng maglagay ng Malasakit centers sa mga ospital.
Inaprubahan ang Malasakit Program Act na tumutugma rin sa layunin ng Universal Health Care Law.
Layon ng programa na matulungan ang mga pasyente na walang kakayahang magbayad o makapagpagamot.
Nakasaad pa sa panukala ang pagsakop sa medical services na hindi binabayaran ng PhilHealth tulad ng laboratory, imaging at iba pang diagnostic procedures, mga gamot, supplies, orthopedic at assistive devices protheseis, blood at blood products, dental services at medial at surgical procedures.
Sakop din ng Malasakit Program Act ang post-hospitalization rehabilitation services, after care program, mental at psychological support, bayarin sa ospital pati na ang professional fees at iba pang medical, health, documentary at kaugnay na serbisyo na sinisingil ng mga ospital.
Ang Malasakit Center ang nagsisilbing one-stop-shop para sa mga pasyenteng nangangailangan ng financial assistance subalit hindi sila sakop ng benepisyo ng PhilHealth.
Sa kasalukuyan ay hindi bababa sa 35 Malasakit Centers ang operational na sa iba’t-ibang ospital. — ulat mula kay Jill Resontoc (Patrol 7)