Nagtayo ng Malasakit Recovery Center sa Cebu para sa mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inanunsyo ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) kung saan tutukan sa naturang pasilidad ang monitoring sa lagay ng kalusugan ng mga pulis na may virus.
Ayon kay OPAV Assistant Secretary Jonji Gonzales, sa recovery center kasalukuyang naka-isolate ang 34 na pulis na nagpositibo sa COVID-19 habang ginagampanan ang tungkulin sa checkpoint at mga ikinasang drug buy-bust operation.
Asymptomatic aniya ang lahat ng pulis na nasa recovery center.