Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Malasiqui sa Pangasinan dahil sa african swine fever (ASF).
Ito ay makaraang magpositibo ang ilang baboy sa sakit sa tatlong barangay ng naturang lugar.
Nasa halos 400 baboy na ang naapektuhan sa Apaya samantalang halos 300 na ang sa Polong Norte.
Patuloy na binabantayan ang mga piggeries sa Mabulitec.
Samantala, mayroon nang inilaang P2-milyon pondo ang lokal na pamahalaan ng Malasiqui para sa mga apektadong hog raisers.