Sinisira ng ginagawang reclamation project ng China ang mga coral reefs at marine environment sa West Philippine Sea.
Ito ang base sa lumabas na artikulo sa isang science magazine.
Ayon sa manunulat na si Christina Larson, dahil sa ginagawang reclamation ng China sa malawak na coral reefs ay nawawalan na ng tirahan ang mga isda gayundin ang iba pang mga lamang dagat.
Una nang tinawag ng Pilipinas na enviromental crisis ang aktibidad ng China sa South China Sea kung saan umaabot na umano sa halos 280 milyong dolyar na halaga ang mga nasirang yamang dagat.
By Rianne Briones