Target ng Department of Health (DOH) na palawakin pa ang libreng check-up para sa mamamayang Pilipino sa mga health centers.
Ipinaliwanag ni Health Secretary Paulyn Jane Rosell-Ubial na inaalam pa nila kung magkano ang kailangang pondo dahil hindi pa ito nagagawa sa kasaysayan ng Pilipinas.
Tiniyak ni Ubial na kalaunan ay isasama na rin nila pati ang libreng laboratory examinations.
Ayon kay Ubial, walumpung (80) porsyento naman ng mga sakit ay puwede nang matukoy sa pamamagitan ng basic check-up.
Bahagi ng pahayag ni Health Secretary Paulyn Ubial
By Len Aguirre | Ratsada Balita