Ramdam na ng taumbayan ang serbisyo ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. kasunod sa inilabas na resulta ng OCTA Research survey kung saan naipakitang maraming Pilipino ang suportado sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Naniniwala si Rep. Gonzales na nararamdaman na ng bawat pamilyang Pilipino ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan, kaya marami ang sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon.
Para sa Senior Deputy Speaker, nagbibigay ng inspirasyon sa pamahalaan na magtrabaho nang mas maigi ang suporta ng publiko kay Pangulong Marcos.
Aniya, kitang-kita ang sipag ng pangulo, partikular na sa pagkalap ng investments mula sa kanyang paglalakbay sa ibang bansa.
Pagtitiyak ni Rep. Gonzales, buo ang suporta ng Kamara sa lahat ng programa ni Pangulong Marcos upang mas mailapit ang kanilang serbisyo para sa kapakanan ng mga Pilipino.