Inaasahan ng Malakanyang na magiging malawakan ang talakayan sa isyu ng climate change sa ASEAN Summit.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na malaking hamon ang epekto ng climate change sa ASEAN Region dahil halos lahat ng bansa ay tinatamaan ng kalamidad.
Inihalimbawa ni Andanar ang Cagayan De Oro City na isinailalim sa state of calamity dahil sa matinding pagbaha.
Idinagdag pa ni Andanar na nararamdaman na ang epekto ng climate change sa mga lugar na hindi naman binabaha dati at ngayon ay nakararanas ng pinsala.
Ang ASEAN Summit ngayong taon ay gaganapin sa Pilipinas sa Nobyembre.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping