Ibinunyag ng isang cybersecurity firm ang kakaiba at malawakang “advanced persistent threat” o APT campaign ng mga Tsino laban sa mga internet user sa Southeast Asia partikular sa Pilipinas.
Ayon sa Kaspersky, nasa 1400 biktima ng spear-phishing email na naglalaman ng mga malicious word documents ang natunton sa Pilipinas, kasama ang ilang ahensya ng pamahalaan.
Ang spear-phishing ay paraan upang makapagnakaw ng mga sensitibong impormasyon mula sa isang partikular na biktima.
Sa oras na i-download ang mga malicious file na nagkukubli bilang word document, maaaring kumalat ang malware sa ibang host o device tulad ng computer o cellphone sa pamamagitan ng removable usb drives.
Ang nasabing aktibidad na tinawag ng Kaspersky na luminousmoth, ay nagsasagawa ng cyber-espionage attacks laban sa mga government entity simula pa noong October 2020.
Bagaman nakatutuok ang aktibidad sa Myanmar, inilipat ng mga chinese hacker ang kanilang atensyon sa Pilipinas. —sa panulat ni Drew Nacino