Naglunsad ng joint aerial drills ang South Korea at Estados Unidos ngayong araw.
Ito ang pinakamalawak na joint aerial drills sa pagitan ng dalawang bansa sa kabila ng babala mula sa North Korea.
Ayon sa ulat, nasa 12,000 US service members kabilang ang Marines at Navy ang makakasama sa drill ng South Korean troops.
Nasa mahigit 200 aircraft din ang idineploy para sa naturang pagsasanay.
Ang US South Korean Drill ay tatagal hanggang sa darating na Biyernes.
Ginawa ang naturang aerial drill isang linggo matapos maglunsad ng pinakabaong missile test ang North Korea.
—-