Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga irrigation at water official na mahigpit na makipag-ugnayan sa isa’t isa kapag nagpakawala ng tubig mula sa mga dam.
Ito’y upang maiwasang maulit ang malawakang pagbaha sa Cagayan Valley noong mga nakaraang taon.
Sa isinagawang situation briefing hinggil sa epekto ng bagyong Karding kahapon, pinatitiyak ni Pangulong Marcos sa pagasa na hindi na mauulit pa ang pagbaha sa Cagayan noong 2020.
Inihayag naman ni PAGASA administrator Vic Malano na ginawan na ng pre-emptive release ng tubig ang Magat Dam bago pa tumama sa bansa ang bagyong Karding.