Magsasagawa ng malawakang pagbakuna ang Department of Health o DOH sa mga pampublikong paaralan simula sa susunod na linggo.
Ayon kay DOH Secretary Janette Garin, target nilang mabakunahan ang tinatayang 4 na milyong mag-aaral sa mga public school laban sa tigdas, rubella, tetano, at diphtheria.
Aniya, layon nitong mabura ang mga naturang sakit at manatiling malusog at masigla ang mga mag-aaral sa buong bansa.
Katuwang ng DOH ang DILG sa programang “Bakuna para sa Kabataan, Proteksyon sa Kinabukasan.”
By Jelbert Perdez