Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malawakang balasahan sa Bureau of Corrections (BuCor).
Ito’y kasunod ng nabunyag na kaliwa’t kanang katiwalian sa ahensya simula ng pumutok ang isyu hinggil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nais ng pangulo ng “total revamp” sa ahensya kung saan babalasahin mula sa pinakamababa hanggang sa pinaka mataas na posisyon.
Gusto rin ng punong ehekutibo na pagpalitin ang mga guard sa BuCor sa mga provincial guards.
Dagdag pa ni Panelo, dahil sa gagawing balasahan ay magkakaroon ng pagkakataon ang bagong BuCor Chief na si Gerarld Bantag na magtalaga ng mga taong nais niyang maktrabaho.