Tiniyak ng bagong liderato ng Philippine National Police na walang mangyayaring malawakang balasahan sa kanilang hanay.
Sa kaniyang unang flag raising ceremony kaninang umaga, iginiit ni PNP Chief P/LtG. Dionardo Carlos na kaniya lang pupunuan ang mga nabakanteng posisyon sa PNP dahil sa may ilang opisyal na silang magreretiro.
Gayunman, aminado si Carlos na daraan sa masusing pagsasala ang mga opisyal ng PNP na nakaambang mabigyan ng promosyon na daraan muna sa Executive Committee ng PNP.
Paliwanag pa ng bagong PNP Chief, performace ang kaniyang magiging batayan sa paglilipat sa pwesto ng mga opisyal sa kanilang hanay at kasama rin sa titignan ang seniority at track record ng mga ito. —sa panulat ni Angelica Doctolero