Iminungkahi ni Senate President Koko Pimentel ang malawakang balasahan sa Bureau of Immigration.
Kasunod na rin ito ng nabunyag na Multi-Milyong Pisong bribery scandal na kinasasangkutan nina Immigration Deputy Commissioners Al Argosino at Michael Robles.
Bukod sa revamp, ipinanukala rin ni Pimentel ang modernisasyon sa Immigration Bureau.
Naniniwala ang Senador na mananatili ang korupsyon sa ahensya kapag hindi nabago ang mga regulasyon at kondisyon sa naturang sangay ng Department of Justice.
By: Meann Tanbio