Nagpatupad ang Philippine National Police (PNP) ng malawakang balasahan sa ilang mga matataas na opisyal nito makaraang magsimula ang election period noong linggo.
Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. Wilben Mayor, ito’y upang maiwasan na magamit ang kanilang mga tauhan ng kandidato sa darating na halalan.
Kabilang sa ikinonsidera ng PNP sa reassignemnt ay kung ang isang pulis ay higit dalawang taon na sa kanyang binabantayang lugar o ‘di kaya’y kung may kamag-anak ang pulis na isang kakandidato sa eleksyon.
Ipinabatid ni Mayor na nasa 740 mga pulis sa iba’t ibang ranggo ang na-reassigned sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa naturang bilang, 25 ang mga police directors, 9 ang city directors, 27 ang mga police safety force commanders, at 147 ang mga chief of police.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal