Magpapatupad ng malawakang revamp si incoming Philippine National Police (PNP) Chief Supt. Ronald dela Rosa sa hanay ng pulisya sa buong kapuluan simula Hulyo 1.
Ayon kay dela Rosa, tinutukoy na ngayon ang ilang mga lugar kung saan kinakailangang palitan ang mga commander base na rin sa crime data na isinusumite sa Camp Crame.
Sa inisyal na ulat, 15 mula sa 18 mga regional directors ang sinasabing papalitan kabilang na ang mga provincial director sa ilalim ng mga ito.
Maging ang mga police chief at city directors ay kabilang din sa patuloy na ina-assess ang performance.
Binigyang diin ni dela Rosa ang kahalagahan ng gagawing top to bottom revamp upang mabilis na magawa ang direktiba ni President-elect Rodrigo Duterte na matigil ang krimen at iligal na droga sa loob lamang ng 3 hanggang 6 na buwan.
By Rianne Briones