Nagkaroon ng balasahan sa ilang mataas na posisyon sa Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagkakatalaga kay Police Lt. General Camilo Pancratius Cascolan bilang hepe ng Pambansang Pulisya.
Dahil dito, inilagay bilang PNP deputy chief for administration si Police Lt. General Guillermo Eleazar habang pumalit naman sa kanya Si Police Lt. General Cesar Hawthorne Binag bilang deputy chief for operations.
Samantala, itinalaga naman bilang chief directorial staff si Police Major General Joselito Vera Cruz.
Ayon kay PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, ang nangyaring balasahan ay pagsunod sa umiiral na rule of succession by seniority sa Pambansang Pulisya. —ulat mula kay Jaymark Dagala