Walang nakikitang masama ang Philippine National Police sa plano ni Incoming President Rodrigo Duterte na magpatupad ng malawakang balasahan sa hanay ng pulisya.
Ito’y sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga pulis-maynila sa mga probinsya at mga pulis-probinsya patungo rito sa maynila.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, tiwala sila sa desisyong ito ni Duterte na tiyak na may magandang dahilan at para sa ikabubuti ng pulisya.
Umaasa si Chief Supt. Mayor na hindi maaapektuhan ang kanilang mga operasyon gaya ng lambat sibat, oplan summer vacation at oplan balik eskwela.
Matatandaang inihayag sa presscon ni duterte na nais niyang ilipat ng pwesto ay ang mga pulis sa Pasay City na bigo umano sa intelligence gathering kaya nangyari ang insidente sa isang concert party sa nabanggit na lungsod
By: Meann Tanbio