Nanganganib makaranas ng malawakang brownout sa bansa sa oras na hindi maibalik ang 360 Million Peso budget ng Energy Regulatory Commission para sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Energy Chairman Sherwin Gatchalian makaraang 1,000 Piso rin ang inilaan ng kamara sa E.R.C.
Ayon kay Gatchalian, dapat pag-isipang mabuti ng mga Kongresista ang kanilang desisyon dahil mawawalan ng regulatory body ang bansa sa supply ng kuryente.
Sinabi ni Gatchalian na makikipag-usap na rin sila sa kanilang mga kapwa mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso at kung mayroon anyang issue ng katiwalian sa E.R.C. ay hindi tamang ipatigil ang operasyon nito hangga’t hindi napapatunayan.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE