Ibinabala ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Agnes Devanadera ang malawakang brownout sa buong bansa.
Kasunod na din ito ng isang taong suspensyon sa apat (4) na commissioner ng ERC.
Ipinabatid ni Devanadera na halos dalawang trilyong piso (P2-T) na halaga ng power supply applications ang kailangan ng approval ng ERC.
Binigyang – diin pa ni Devanadera na ang ERC ay isang collegial body sa ilalim ng batas at hindi ito magiging operational kahit pa may chairman ang komisyon.
Hindi na uubrang kaagad mapalitan ang mga sinuspinding commissioner dahil hindi naman nabakante ang kani – kanilang mga puwesto.
Sinabi ni Devanadera na sumulat na siya sa Malakanyang para ipaliwanag ang mga implikasyon ng nasabing suspensyon.
—-