Mahigit 15,000 volunteers ang inaasahang makikiisa sa sabay-sabay na paglilinis sa Manila Bay bukas, September 21.
Ayon sa DENR ang malawakang clean up drive ay bahagi nang pag obserba ng International Coastal Cleanup (ICC) day tuwing ikatlong sabado ng Setyembre kada taon.
Sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu tuloy-tuloy ang misyon nilang linisin ang Manila Bay para makita pa ng mga susunod na henerasyon ang tunay na ganda nito.
Ipinabatid ng DENR na kabilang sa cleanup sites ang mga lugar sa Barangay 649 sa Baseco, Manila coastal areas ng Navotas Centennial Park at river systems ng Tullahan-Tinajeros at Marikina River.
Bukod pa ito sa Navotas Tanza marine tree park, Las Pinas Paranaque critical habitat and Eco Tourism Area, By The Bay Central Park sa SM Mall of Asia at Gloria Maris, CCP Complex sa Pasay City at PUP sa Sta. Mesa, Manila.
Layon ng gobyerno na mabawasan ang fecal coliform level sa Manila Bay sa 100 most probable number per 100 milliliter para umubra ang pagsu-swimming at iba pang recreational activities.