Nakumpleto na ng mga Chinese health workers ang isinagawang malawakang COVID-19 testing sa Wuhan City sa China matapos ang muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 matapos ang isang taon.
Ayon sa abiso ng opisyal mula sa Wuhan, na umabot sa 11 milyong test ang naisagawa ng mga health workers nito para masigurong ligtas ang kanilang lungsod laban sa banta ng virus.
Mababatid na bago ipinag-utos ang malawakang testing ay inunsyo ng mga local officials sa lungsod ang pitong locally transmitted na infection o kaso ng COVID-19 sa mga migrant workers nito.