Nanganganib na makaranas ng malawakang kagutuman ang North Korea, kung magpapatuloy ang napaka-init na temperatura sa lugar.
Ayon kay Ri Yong Nam, Senior Weather Official ng NoKor, maliban sa kakulangan sa ulan at snow, mas mataas din ng lima hanggang sa pitong degrees celsius ang temperatura sa kanilang bansa.
Batay sa report ng Korean Central News Agency, tuyo na ang 30 porsyento ng kanilang mga sakahan.
Siyamnapung (90) porsyento ng kanilang food production ay kadalasang naitatanim sa pagitan ng Hunyo at Hulyo.
By Katrina Valle