Tinututukan na ng Department of Health o DOH ang kanilang malawakang immunization program ngayong taon.
Ayon kay Health Undersecretary Rolando Domingo, layunin ng programang protektahan ang mga komunidad laban sa tumataas na bilang ng kaso ng measles o tigdas.
Ilalaan aniya nila ang kanilang panahon sa pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa mga lugar na may mga kaso ng tigdas kasabay ng supplementary immunization activities ng kagawaran.
Magugunitang nabawasan ang mga magulang na nagtitiwala sa mga vaccination program ng gobyerno matapos ang kontrobersya sa Dengvaxia.
—-