Inianunsyo na ng Iranian Revolutionary Guards ang pagtatapos ng himagsikan makaraang maglunsad ng hiwalay na kilos protesta ang libo – libong katao bilang suporta sa gobyerno ng Iran.
Ayon kay General Mohammad Ali Jafari, naharang ng revolutionary guards ang halos labinglimang libong (15,000) raliyista sa buong bansa habang naaresto na ang malaking bilang ng mga demonstrador.
Kabuuang dalawangpo’t isa (21) katao naman ang namatay matapos salakayin ng mga raliyista ang ilang government building at police station.
Iwinagayway ng mga pro-government demonstrator ang mga watawat ng Iran at mga larawan ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei maging ang mga placard na may nakasulat na ‘Kamatayan para sa mga Taksil’.
Iginigiit ng mga anti-government protester ang karagdagang kalayaan sa gitna ng mahigpit na Islamic Law sa Iran.