Sasabayan ng malawakang kilos protesta ng mga militanteng grupo ang pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.
Kasunod ito ng desisyon ng Commission on Higher Education o CHED na payagan ang may 313 pribadong kolehiyo at unibersidad na magtaas ng kanilang matrikula.
Ayon sa League of Filipino Students, layunin ng nasabing pagkilos na kalampagin ang Pangulong Noynoy Aquino sa walang kamatayang pagtataas ng matrikula ng ilang paaralan, kolehiyo at unibersidad.
Magugunitang sabay-sabay na nagwalk-out sa kanilang klase ang mga mag-aaral ng iba’t ibang unibersidad at kolehiyo tulad ng University of the East, San Beda College, Feati University at iba pang paaralan para kundenahin ang nasabing desisyon ng CHED.
By Jaymark Dagala