Nakatakdang magsagawa ng kilos-protesta sa buong bansa ang mga jeepney driver at operator bukas, December 14.
Kaugnay ito ng kanilang pagtuligsa sa plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na alisin na ang mga pampasaherong jeep na 15 taong gulang na at higit pa.
Ayon sa ulat, magkikita-kita ang mga miyembro ng grupong “no to jeepney phase-out” sa Elliptical road sa Quezon City bukas ng 7:00 ng umaga.
Mula sa Elliptical road, magtutungo ang mga raliyista sa Espana Avenue sa Maynila at didiretso sa Don Chino Roces avenue malapit sa malakanyang palace.
Ayon sa grupo, ikinatatakot nila na ang planong ito ng LTFRB ay makaapekto sa kabuhayan ng libu-libo nilang operators at drivers sa buong bansa.
By: Allan Francisco