Ilalarga na ng mga militanteng grupo ang kanilang nationwide protest upang ipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na tutukan ang issue ng paglabag sa karapatang pantao.
Ilulunsad ang aktibidad sa Sabado, Disyembre a-diyes kasabay ng paggunita sa international human rights day.
Ayon kay Bayan secretary general Renato Reyes, hapon isasagawa ang rally sa Liwasang Bonifacio sa Maynila bilang paalala sa gobyerno na hindi nakalilimot ang mga human rights victim noong martial law maging ang lahat ng biktima ng nagpapatuloy na paglabag sa karapatang pantao.
Bukod anya sa human rights, ipapanawagan din nila sa pangulo ang pagtutok sa issue ng Marcos burial at agarang pagpapalaya sa mahigit apatnaraang political prisoner o detainee.
By Drew Nacino