Nakahanda ang LTFRB sa ilulunsad na malawakang protesta ng PISTON Jeepney Transport Group kasabay ng pagbubukas ng klase sa bukas, Hunyo 5.
Ipinabatid ni LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada na inatasan na ang mga regional director ng ahensya para makikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at MMDA.
Una nang inanunsyo ng PISTON na magsasagawa sila ng transport caravan sa Metro Manila, bukod pa sa ilalargang tigil-pasada sa ilang bahagi ng Visayas.
Layon ng protesta na ipakita ang pagtutol ng grupo sa umano’y plano ng gobyerno na i-phaseout ang mga jeepney.
Iginiit naman ni Lizada na tanging mga bus at UV express van lamang na may edad 15 taon pataas ang sakop ng phaseout sa ilalim ng omnibus franchising guidelines na nakatakdang pirmahan sa Hunyo 19.
By: Meann Tanbio