Ikinakasa na ng mga operator at driver ng “no to jeepney phaseout coalition” ang malawakang kilos protesta sa Abril 4.
Ito’y upang kontrahin ang plano ng gobyerno na i-phase out na ang mga public utility jeep na higit 15 taon ng pumapasada bilang bahagi ng modernisasyon ng transport system.
Ayon kay Coalition Convenor George San Mateo ng Piston, isasagawa ang rally sa tapat ng Department of Transportation and Communications (DOTC) office sa Ortigas.
Tinatayang 200,000 tsuper at operator ang inaasahang lalahok sa kilos protesta na may kahalintulad din na aktibidad sa iba’t ibang panig ng bansa.
By Drew Nacino