Kasado na ang mañanita party ng iba’t-ibang grupo sa Biyernes, June 12 bilang paggunita sa araw ng kalayaan.
Kabilang sa mga nagpasabi nang lalahok sa mañanita party ang League of Filipino Students sa UP Manila at Movement Against Tyranny.
Inabisuhan na ng kani-kanilang grupo ang mga miyembro na magdala ng extrang t-shirt at maraming tubig.
Una nang nagpaabiso ang PNP na paiiralin pa rin nila ang maximum tolerance subalit nakiusap ang mga ito sa mga magra-rally na mapayapang mag-disperse kapag natapos na ang oras na ibinigay sa kanila.