Nag-walkout sa pulong ng Department of Labor and Employment ang pinuno ng Nagkaisa Labor Coalition.
Ito’y kaugnay sa binabalangkas na Department Order hinggil sa Kontraktwalisasyon.
Ayon kay Nagkaisa Chairman Michael Mendoza, hindi katanggap-tanggap sa kanila ang draft ng nasabing department order.
Sinabi ni Mendoza na walang nabago sa naturang draft dahil sa halip na ipagbawal ang kontraktwalisasyon, ginagawa itong legal at naglatag pa ng regulasyon para sa manpower agencies.
Salungat aniya ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakipagpulong siya sa mga manggagawa.
Dahil dito, nagbabala si Mendoza na maglulunsad sila ng malawakang mass action ng mga manggagawa sa susunod na linggo.
By: Meann Tanbio